Chief Justice Maria Lourdes Sereno, pinaalalahanan ang mga BAR passer na panatilihin ang integridad ng Judicial System sa bansa

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1288

IMAGE__UNTV-News__091812__Maria-Lourdes-Sereno

Mahigit isang libong law graduates ang nakatanggap ng pinakamagandang balita kanina nang lumabas ang resulta ng 2014 Bar Exam.

Ngunit ayon kay Chief Justice Ma.Lourdes Sereno, hindi madali ang papasuking propesyon ng mga ito.

“ they should always remember that taking up the cause of a client is a sacred duty that must be done will all integrity. It must not be pursued primarily on profit but material rewards come as product of hard work”, pahayag ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Ayon kay CJ Sereno, naging masusi ang proseso nila ng pagbuo ng formula sa mga tanong sa bar exam.

Kung noong nakaraang taon, mas marami ang multiple choice, pinili nilang damihan ngayon ang essay questions upang mas makita ang level of reasoning ng mga examinee.

Pinabulaanan din ni Sereno ang umano’y patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pumapasa sa bar exam, mula 22.18% nang nakaraang taon sa 18.82% ngayon.

Ito’y sa kabila ng pagbaba pa nila ng passing grade sa 73% mula sa 75%.

Ayon kay Sereno, dapat lamang na mas maging mahigpit ang Hudikatura sa bar examination dahil sa mga makakapasa nakasalalay ang maayos na pagpapatakbo ng Justice System ng bansa.( Joyce Balancio/ UNTV News Correspondent )

Tags: ,