Chief Presidential Legal Counsel Panelo, susunod na Presidential Spokesperson

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 154

Magiging concurrent Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson si Atty. Salvador Panelo.

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go.

Nang tanungin naman si Panelo, kinumpirma niya ang naturang impormasyon.

Nito lamang umaga, sinabi ni roque na hindi siya nagbibitiw sa pwesto.

Una nang binanggit ni President Rodrigo Duterte na si Panelo ang napipisil niyang ilagay bilang press secretary matapos magpahayag si Roque na magre-resign at tatakbo bilang senador sa 2019 midterm elections.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,