Chinese medical experts at dagdag na medical equipment na donasyon ng China, dumating na sa bansa

by Radyo La Verdad | April 6, 2020 (Monday) | 2396
Photo: Teddy Locsin Jr., Secretary of Foreign Affairs

Dumating na sa bansa ang 10 Chinese medical expert, kasama ang dalawang opisyal ng bansa na tutulong sa Pilipinas sa paglaban ng sa coronavirus disease 2019 nitong Linggo, April 5.

Handa ring ibahagi ng mga opisyal ang kanilang mga nalalaman para maiwasang kumalat ang virus sa bansa.

Dumating na rin ang dagdag na donasyon ng China gaya ng non-invasive ventilators, personal protective equipment suits, at masks.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,