Chinese President Xi, bibisita sa bansa mula ika-20 hanggang ika-21 ng Nobyembre

by Radyo La Verdad | November 16, 2018 (Friday) | 2603

Inanunsyo ng Malacañang na sa susunod na linggo na ang state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping. Tatagal ito mula ika-20 hanggang ika-21 ng Nobyembre.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita ang isang Chinese President sa Pilipinas sa loob ng 13 taon.

Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi hinggil sa iba’t-ibang isyu na magsusulong ng ugnayan ng dalawang bansa.

Tags: , ,