CJ Sereno, Itinuro si Pangulong Duterte bilang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya

by Radyo La Verdad | April 9, 2018 (Monday) | 1323

Isa si Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno sa mga binigyan ng parangal sa programang inorganisa ng movement against tyranny kaugnay ng araw ng Kagitingan.

Sa kaniyang talumpati agad nagpasaring si Sereno sa kaniyang mga kritiko at sa mga nagtatangkang patalsikin siya sa puwesto.

Sa kauna-unahang pagkakataon, direkta ring pinatamaan ng punong mahistrado si Pangulong Rodrigo Duterte bilang nasa likod umano ng mga tangkang pagpapatalsik sa kanya.

Pero itinanggi ng Pangulo ang akusasyon ni Sereno.

“Ikaw Sereno, sinabiko na sa iyo hindi ako nakialam. If you are insisting then count me in and then I will egg Calida to do his best, ako na mismo rin kalaban sa iyo. Alam mo ganito, sinabi ko na kay Chief Justice Sereno, I am not into the habit of maghabol ng kalaban. I have no history on that”, ayon sa Pangulong Duterte.

Pero sinabi rin ng Pangulo na nais niyang madaliin na ang impeachment trial sa Chief Justice.

“Sige ganyan daldal ng daldal, o sige upakan kita. I will help in the investigation. Talagang upakan kita. So I am putting you on notice that I am now your enemy and you have to be out of the supreme Court”, pahayag ni Pangulong Duterte.

Samantala , bukas ay isasagawa Supreme Court ang oral arguments sa quo warranto petition kay Sereno kung saan inaasahang haharap ang punong mahistrado.

 

(Mai Bermudez / UNTV News Correspondent)