Coast Guard, nagbabala sa publiko laban sa mga kolorum

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 421

pcg

Nagbabala ang Philippine Coast Guard sa publiko kaugnay ng mga kolorum at mga hindi rehistradong sasakyang pandagat. Ito’y kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong holiday season.

Ipinahayag ni PCG Commandant Vice Admiral Rodolfo Isorena na posibleng hindi sumunod ang mga ito sa safety standard ng Maritime Industry Authority.

Kaugnay nito, hinikayat ng pcg ang publiko na iulat ang mga ito sa mga numerong 0917-PCG-DOTC o 0917-724-3682.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0