• News
  • Public Service
  • Announcements
  • Programs
  • About
  • Contact Us

Comelec magsasagawa ng Nationwide Mall Voters Sign Up

by Erika Endraca | September 10, 2021 (Friday) | 4119

METRO MANILA – Nakipag-ugnayan na ang Commission on Elections (Comelec) sa mga mall owner at ilang ahensiya ng gobyerno para sa pagsasagawa ng nationwide mall voters sign up simula bukas, September 11.

Layon ng Comelec na maging kumbinyente ang publiko at mapigilan ang posibleng hawaan ng COVID-19 sa inaasahang pagdagsa ng mga magpaparehistro sa Comelec offices bago ang deadline ng registration sa September 30.

Ang schedule ng mall voters sign up ay maaaring ma-access sa official website at social media accounts ng Comelec.

Isasagawa ito sa mga participating malls gaya ng SM supermalls at iba pa.

Samantala, nagpatupad naman ang local office ng Comelec sa Quezon City ng color coded number system depende kung saang distrito nakatira ang isang magpaparehistro.

Nulimitahan din sa 300 botante per district ang maaaring makapag-parehistro kada araw.

Ito ay upang maiwasan ang mahabang pila at hindi abutin ng matagal na oras ng paghihintay.

Upang tiyaking nasusunod ang mga health protocol, may mga nakadeploy na barangay coordinators at police personnel sa lugar na regular na nagpapaalala sa mga nakapila.

Malaking tulong naman para sa mga residente ang bagong proseso ng voter registration kumpara sa dating sistema na inaabot ng maghapon.

Maaari namang dumirecho sa registration area ang mga senior citizen at persons with disability dahil mayroong special lane na nakalaan para sa kanila gayundin sa mga nakapag-schedule na ng online appointment.

Payo ng Comelec, siguruhing kumpleto ang kinakailangang requirements para hindi magkaproblema sa registration area.

Para sa mga hahabol pa sa pagpaparehistro, kailangang mag-download ng Comelec forms na maaaring ma-access online sa www.comelec.gov.ph o sa i-rehistro, at dalhin ang printed copy ng form sa Comelec office para sa registration.

(Marvin Calas | UNTV News)

Tags: COMELEC, Voters Sign Up

Top Stories
Petsa ng paghahain ng COC para sa BSKE, inilipat sa August 28 – Sept. 2
March 23, 2023
Pagsusuot ng face mask sa loob ng mga eroplano, mandatory pa rin
March 22, 2023
Opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-init, inanunsyo ng PAGASA
March 22, 2023
Pulong sa pagitan ni PBBM at US Pres. Biden, posible sa Abril – PH Envoy
March 21, 2023
Publiko, hinikayat na magtipid ng kuryente ngayong tag-init
March 21, 2023
Pantay na oras ng araw at gabi, mararanasan ngayong araw, March 21
March 21, 2023
Ilang lugar sa bansa, positibo parin sa red tide
March 20, 2023
Bureau of Immigration, nagbabala sa Job Scams sa social media na target ay English-speaking Pinoys
March 20, 2023
Ilang lugar sa NCR at Cavite, mawawalan ng suplay ng tubig mula March 20 -27
March 20, 2023
DICT, ‘di pa makapag desisyon sa extension sa SIM registration
March 16, 2023

Most Read
PBBM, nais matiyak na walang mawawalan ng kabuhayan...
3762   |   March 10, 2023
GSIS at AFP, umakyat sa standings; Judiciary Magis,...
2905   |   February 28, 2023
Inflation ngayong buwan, posibleng pumalo sa 8.5% hanggang...
2771   |   March 1, 2023
Expanded number coding sa Metro Manila, suspendido ngayong...
2732   |   March 6, 2023
Expanded number coding scheme sa Metro Manila, ibinalik...
2705   |   March 7, 2023



The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104

Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019

+632 8 442 6254   |   Monday – Friday, 8AM – 5PM   |   info@radyolaverdad.com

Privacy Policy | Terms of Use | Advertise With Us