Comelec, magsasagawa ng special registration para sa mga PWD sa ika-20 ng Hulyo

by Radyo La Verdad | July 19, 2018 (Thursday) | 5557

Magsasagawa ng special offsite registration para sa Persons with Disabilities (PWD) sa Region 1 bukas.

Isasagawa ito sa mga covered courts sa mga syudad at munisipalidad sa Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Bukod sa new registration, tatanggap din ang Comelec ng reactivation, correction of entry at reinstatement of records.

Ang voters registration ng Comelec para sa May 13, 2019 national and local elections ay binuksan noong ika-2 ng Hunyo at tatagal hanggang ika-29 ng Setyembre 2018.

Tags: , ,