Cong. Gary Alejano, balak muling maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 9, 2018 (Wednesday) | 2882

Pinag-aaralan ngayon ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang paghahain muli ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Dutere.

Isang taon na ang lumipas ng una siyang maghain ng reklamo. Base sa batas, maaari na muling maghain ng impeachment complaint ang sinoman laban sa pangulo.

Sa pagkakataong ito, titiyakin aniya nilang mas mabigat ang hawak nilang ebidensya at naayon sa batas ang prosesong pagdadaanan.

Dinismiss ng justice committee sa Kamara ang unang reklamo ng mambabatas dahil sa teknikalidad.

Extrajudicial killings, culpable violation of the Constitution at corruption pa rin ang kanilang magiging grounds sa isusumiteng complaint.

Posible rin daw nilang akusahan ng treason ang pangulo dahil sa patuloy na pakikipagsabwatan sa China.

Pero ang Malacañang, isinantabi ang bantang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte hinggil sa usapin sa West Philippine Sea.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,