COVID-19 positivity rate sa NCR, ilang lugar sa PH, tumaas – Octa

by Radyo La Verdad | April 11, 2023 (Tuesday) | 5212

METRO MANILA – Tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region at iba pang lugar sa bansa.

Mula sa 4.4% noong April 1, umakyat ito sa 6.5% nitong April 8.

Malaki rin ang itinaas ng datos sa Camarines Sur, Cavite, Cebu, Davao Del Sur, Isabela, Negros Occidental, Palawan at Rizal.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 1, 944 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na long holiday.

Ang naiulat na mga impeksyon ay naitala mula April 3-9, 2023 na may 278 daily average na infection kumpara sa 246 na naitala sa pagitan ng March 27 hanggang April 2.

Tags: ,