Cudia, muling umapela sa Korte Suprema

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 518

CUDIA
Umapela muli sa Korte Suprema si dating Philippine Military Academy Cadet First Class Aldrin Cudia upang pahintulutan na maka-graduate.

Sa inihaing Motion for Reconsideration, hiniling ni Cudia sa Korte na baligtarin ang nauna nitong desisyon.

Una nang kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng PMA na patalsikin si Cudia dahil sa pagsisinungaling.

Ayon sa SC, nilabag ng kadete ang Honor Code ng institusyon dahil sa hindi pagsasabi ng totoo kung bakit siya nahuli sa klase.