Customs chief Nicanor Faeldon, 4 na araw na-confine sa ospital dahil sa atake sa puso

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 164

Apat na araw na-confine si Customs chief Nicanor Faeldon sa isang ospital sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Dr. Arthur Bayani, nasa ospital ito para sa isang tooth procedure nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. Maayos na umano ang kundisyon nito ngayon.

Subalit pinayuhan ito ng mga doktor na magpahinga muna ng ilang araw bago sumabak sa mga pagdinig at mabibigat na trabaho.

Ayon kay sa chief of staff ni Faeldon na si Atty Mandy Anderson, itatalaga muna nila si BOC Revenue Collection and Monitoring Group Chief Natalio Ecarma bilang officer in-charge ng BOC hanggang August 18.

 

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply