Dagdag bawas sa presyo ng produktong Petrolyo ipatutupad ng ilang kumpanya ng langis Ngayong Linggo

by Erika Endraca | February 17, 2020 (Monday) | 1762

METRO MANILA – Magpapatupad ng oil price adjustment ang ilang kumpanya ng langis Ngayong Linggo.

Base sa abiso ng kumpanyang Seaoil at Shell tataas ng P0.35 kada litro ang presyo ng kanilang gasoline bukas (Feb. 18) ng alas-6 ng umaga.

Habang bababa naman ng P0.10 ang kada litro ng Kerosene at Diesel.
Kaparehong dagdag bawas rin sa presyo ng Diesel at Gasolina ang ipatutupad ng Petrogazz.

Samantala sa Miyerkules (Feb. 19) naman magiging epektibo ang oil price adjustment ng Cleanfuel sa kapareho ring halaga sa Diesel at Gasolina.

(Grace Casin | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,