Dagdag sahod para sa mga guro sa bansa, posible maibigay ngayong taon – Pangulong Duterte

by Erika Endraca | October 7, 2019 (Monday) | 1236
PHOTO : Department of Education

MANILA, Philippines – Tiniyak muli  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag-sweldo ng mga pampublikong guro sa bansa.

Sa kanyang pagharap sa media pagdating nito sa Davao City Kahapon (October 6) mula sa 5 araw na working visit nito sa Russia, tiniyak nito na maibibigay ang dagdag pasahod ngayong taon.

Nilinaw rin nito na hindi kakayanin ang double increase dahil sa dami ng bilang ng mga guro sa bansa.

Sa ngayon, wala pang ibinibigay na eksaktong petsa ang Pangulo kung kailan maibigay ang dagdag sahod ng mga pampublikong guro sa bansa.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,