Dagdag-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong May 2024

by Radyo La Verdad | May 15, 2024 (Wednesday) | 217

METRO MANILA – Inanunsyo kahapon (May 14) ng Manila Electric Company (MERALCO) ang ipatutupad na dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.


Maaaring umabot sa halos P100 ang magiging dagdag singil sa mga ordinaryong tahanan na kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.


Ayon sa electric company, bunsod ito ng pagtaas sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Kinakailangan nilang dagdagan ang supply mula sa spot market dahil sa taas ng demand noong nakaraang buwan.

Tags: ,