Dalawa, arestado ng CIDG -ATCU sa paglabag sa firearms law

by Radyo La Verdad | November 24, 2017 (Friday) | 368

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Pasig RTC Branch 152 Executive Judge Danilo Cruz, sinalakay  ng CIDG-ATCU ang dalawang tao sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act.

Ayon kay CIDG ATCU Chief PSupt. Roque Merdegia Jr., ang mga suspek ay sina Matthew George Marney, British National at Romel Mañas Catilo na pawang residente ng Valle Verde 5, Pasig City.

Nakuha sa mga ito ang 5 piraso ng caliber 45 na walang lisensya, 5 magazine nito, 25 pieces ng live ammunition at 4 na kahon ng blank ammunition ng caliber 45.

Kabilang din ang isang piraso ng stun gun at 4 na piraso ng box na lalagyan ng baril, isang kahon ng gun cleaning kit, 14 piraso ng bladed weapons, 3 piraso ng firearms holster, 1 magazine pouch at 1 improvised sling shot.

Sinabi ni Merdegia na sasampahan ang mga suspek ng reklamo dahil sa paglabag sa ra 10591.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply