Dalawang lalaki na hinihinalang supplier ng marijuana sa Metro Manila, arestado

by Radyo La Verdad | June 22, 2018 (Friday) | 2669

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa buybust operation ng QCPD drug enforcement unit station-7 sa C. Victorino St. Villa Alfonso, Barangay Bambang, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Julius Cesar Ilagan at Jayson Proda.

Nag-ugat ang pagkakahuli sa mga ito sa nanunang operasyon ng QCPD sa isang fastfood chain sa Cubao, Quezon City kung saan ang mga naarestong suspek ay nahulihan ng sampung libong piso ng halaga ng marijuana.

Itinuro nito sina Ilagan at Proda na pinagkukunan ng droga. Aabot sa walong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa mga suspect na nagkakahalaga ng 300 libong piso.

karamihan umano sa kanilang mga kustomer ay pawang mga estudyante.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga naarestong suspek.

Tags: , ,