Dalawang suspek sa pagpatay at paggahasa sa isang dalagita sa Bulacan, arestado

by Radyo La Verdad | August 16, 2018 (Thursday) | 1679

PULILAN, BULACAN – Naaresto na kagabi ang dalawang suspek sa panghahalay at pamamaslang sa 15-anyos na babae sa Pulilan, Bulacan. Kinilala ang suspek na si Melvin Altubar, 22 anyos at isang 16 anyos pa lamang.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na kinilala na si Angelica Calimlim na palutang-lutang sa isang creek noong Lunes sa Brgy. Dampol Uno.

Ika-7 ng Agosto ng huling nakita ang biktima matapos utusang bumili sa tindahan ngunit hindi na nakabalik.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bulacan-PNP, lumabas na ginahasa muna ang biktima bago pinatay at saka pilit na isiniksik sa loob ng imburnal ng mga suspek.

Naging lead ng pulisya sa pagkakahuli sa mga suspek ang cellphone ng biktima na isinanla raw ng isa sa suspek matapos gawin ang krimen.

Depensa naman ng mga suspek, nadala lang sila ng kalasingan kaya nagawa ang krimen.

Mahaharap si Altubar sa kasong rape, murder at robbery habang ang menor de edad na suspek ay itu-turn over naman sa kustodiya ng DSWD.

 

Tags: , ,