Dating House Speaker Belmonte, itinalaga ni Pang. Duterte bilang special envoy sa Japan

by Radyo La Verdad | October 16, 2019 (Wednesday) | 430

METRO MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte bilang special envoy to Japan for Trade and Market Access.

Batay sa anunsyo ng Palasyo, kahapon ang date of appointment ni Belmonte.

Nakatatlong termino bilang Kongresista ng Quezon City si Belmonte at naging House Speaker noong 15th at 16th Congress.

Kilala siyang mataas na opisyal ng Liberal Party ngunit nagbitiw bilang Vice Chairman ng partido noong September 2018.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,