Dating MARINA Admin Rey Guerrero, pormal nang umupo bilang BOC commissioner

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 1851

Pormal nang umupo bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC) ang dating administrator ng Maritime Institute Authority (MARINA) na si Rey Leonardo Guerrero.

Kanina ay nagsagawa ng turnover ceremony sa kagawaran na dinaluhan ng ilang opisyal at kawani ng BOC.

Sa kaniyang farewell speech, ipinagmalaki ni dating Commissioner Isidro La Peña ang mga accomplishments niya sa kagawaran tulad ng kaniyang marching order na pagtaas ng revenue collection ng BOC.

Dagdag pa dito ang mga natanggal niyang mga kawani at opisyal sa pwesto na naiugnay sa kurapsyon kung saan apat ang nadismiss at labing apat ang suspendido.

Nangako naman si Guerrero na isusulong ang mga reporma sa kaniyang pag-upo sa pwesto.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,