Dating national security adviser na si Roilo Golez, pumanaw na sa edad na 71

by Radyo La Verdad | June 12, 2018 (Tuesday) | 4245

Pumanaw na kahapon sa edad na 71 ang dating national security adviser na si Roilo Golez.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Parañaque Vice Mayor Rico Golez sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, atake sa puso ang ikinasawi ng dating opisyal.

Si Golez ay isa sa mga advocate ng pagsusulong ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Naging congressman ito ng Parañaque mula 1992 hanggang 2001at naglingkod bilang national security adviser sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Tags: , ,