Dating opisyal ng PDEA, police officer at 2 iba pa, na-cite in contempt ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng P11-B shabu shipment probe

by Radyo La Verdad | November 23, 2018 (Friday) | 3378

Humarap muli sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee si dating Customs Intelligence and Investigation Service officer Jimmy Guban.

Siya ngayon ay nasa ilalim ng witness protection program ng Department of Justice kaugnay ng umano’y ng kaniyang nalalaman sa pagpasok ng 11 billion peso-shabu shipment.

Muling idiniin ni Guban sina dating PDEA Deputy Director Ismael Fajardo at dating Police Coronel Eduardo Acierto na umano’y sangkot sa shabu shipment na itinago sa magnetic lifters.

Ipinakita pa sa pagdinig ang isang litrato na magkakasama sa isang party sina PDEA Director General Aaron Aquino, Fajardo at Acierto noong ika-3 ng Setyembre. Ito ay matapos makalabas ng Port Area ang nasabing kontrabando noong Agosto. Patunay lamang umano ito na magkaibigan ang dalawa.

Itinuro naman ni Guban ang broker na si Meg Santos na naatasan umanong linisin ang pangalan ng mga isinasangkot sa billion peso-shabu shipment, bagay na pinabulaanan ni Santos.

Hindi sumipot sa pagdinig sina Fajardo, Acierto, ang may-ari ng SMYD Trading na si Marina Signapan na nagsabing may sakit at isang Emily Laquingan. Dahil dito, ang apat  ay na-cite in contempt ng komite.

Kung bigo pa silang makadalo sa susunod na pagdinig sa ika-4 ng Disyembre ay maglalabas na ng arrest warrant ang Senado laban sa apat na personalidad.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: ,