Dating Pang. Noynoy Aquino, at mga Tagasuporta ni Senator Leila De Lima, muling nanawagang palayain na ang Senadora

by Erika Endraca | November 21, 2019 (Thursday) | 259

METRO MANILA – Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Senador Leila De Lima upang manawagan na i-dismiss ang anila’y gawa-gawang kaso laban dito at palayain na ito sa hindi makatarungang pagkakabilanggo.

Kahapon (Nov. 20) ang ika-1000 araw mula nang arestuhin si De Lima noong February 24, 2017 dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Inaakusahan ito ng pakikipagsabwatan at pagtanggap ng drug money mula sa mga drug lord sa New Bilibid Prison.

Pero ayon sa mga Tagasuporta at kapartido ni De Lima, gawa-gawa lamang ang mga kaso laban dito.

“Palagay ko, y’ong pagpunta ninyo dito y’ong kaapihan na nangyayari kay Leila, damang-dama ninyo. Ginawa sa kaniya, pwedeng gawin sa bawat isa sa atin.” ani Dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV NEWS)

Tags: ,