Dating pulis na ‘tulak’ ng droga, patay sa buy-bust operation ng PDEA

by Radyo La Verdad | August 7, 2018 (Tuesday) | 1916

Hindi nakaligtas sa alagad ng batas ang isang dating pulis matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa St. Jude Subdivision, Barangay Malinta, Valenzuela City pasado alas nuebe kagabi.

Ang suspek na si PO2 Exequiel Sangko ay nagretiro na noong 2015 at nakatalaga noon sa Valenzuela Police .

Ayon sa surveillance ng PDEA sa suspek, nagtutulak umano ito ng iligal na droga habang namamasada ng tricycle.

Nakaramdam umano ang suspek na alagad ng batas ang kaniyang ka-transaksyon kaya ito nanlaban kaya napilitang gumanti ng putok ang PDEA agent.

Hindi na umabot ng buhay ang suspek nang dalhin ito sa Dalandanan Emergency Hospital.

Kasama sa national drugs watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte si PO2 Sangko.

Ayon kay Police Senior Supt. David Poklay na hepe ng Valenzuela PNP, maliban sa pagtutulak ng droga sangkot din ito sa pangongotong.

Narekober kay Sangko ang 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit dalawang daan libong piso at isang 9mm na baril.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,