Davao City Police nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad dahil terror threat

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 2636

Davao-City-Police-Chief-Senior-Supt-Michael-Dubria
Mas pinaigting na ang ipinatutupad na seguridad sa Davao City kasunod ng ulat sa umano’y planong pag-atake ng mga terror group sa lungsod.

Ayon kay Davao City Police Chief Senior Supt Michael Dubria, nagbigay na ng direktiba si acting Mayor Paulo Duterte na bantayan ang entry at exit points ng lungsod pati na ang galaw ng iba’t ibang grupo na maaaring maghasik ng lagim.

Inaasahan na anila na magiging target ng mga terorista ang Davao City lalo’t ito ang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte at dito nakatira ang kanyang pamilya.

(Janice Ingente/UNTV Radio)

Tags: ,