Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, galit na sinagot ang mga akusasyon sa kanya

by Radyo La Verdad | September 13, 2017 (Wednesday) | 68

Naglabas ng galit si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa naging pagtrato sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes nang dumalo siya sa Senate hearing noong isang linggo. Ayon sa Bise Alkalde, dapat maglabas ng ebidensya ang senador upang mapatunayang may basehan ang kanyang mga akusasyon.

Sinabi pa nitong tila nalilihis na ang tunay na pakay ng imbestigasyon. Hindi rin aniya alam kung saan kinukuha ng mambabatas ang  kanyang mga impormasyon partikular na ang sinasabing pagkakaroon ng Davao group.

Ipinahayag din ni Vice Mayor Duterte na may iba pang grupo ang nais na magpabaksak sa kanilang pamilya. Hindi rin nito naiwasang maglabas ng hinanakit sa ilang mamamahayag na aniya’y hindi patas sa kanilang ibinabalita.

 

(Marisol Montaño / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply