Davao del Norte Pulis, namahagi ng kagamitan sa mga magsasaka

by Erika Endraca | September 30, 2021 (Thursday) | 2725

METRO MANILA – Namahagi ang Davao del Norte Police ng 22 karit, 20 hasaan, 10 kutsilyo, 2 knapsack sprayer at 66 na botas sa miyembro ng Suop Igangon Luya Association bilang bahagi ng programa sa pagtulong sa ating mga kababayang magsasaka.

Layon nito na magkaroon ng magandang ani ang ating mga magsasaka.

Inaasahan ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na magsilbi itong ehemplo sa iba at pinasalamatan din nya ang mga pulis na naging bahagi nitong gawain.

“Malaking tulong ito para sa ating mga magsasaka na siguradong apektado nitong pandemya. Sa ngayong nahaharap ang lahat sa krisis, mas lalong kailangan ang pagtutulungan kahit sa maliit na paraan,” ani PNP Chief PGen Eleazar.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags:

DepEd XI, nilinaw na walang closure order para sa IP schools sa Davao del Norte

by Radyo La Verdad | December 5, 2018 (Wednesday) | 12673

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) Region XI na wala itong inilabas na closure order sa Salugpongan community schools sa Talaingod, Davao del Norte.

Ito ay matapos magkasundo ang mga tribal leaders sa Talaingod na ipasara ang Salugpongan learning center sa kanilang kumonidad dahil iba na umano ang mga itinuturo sa mga studyante.

Ayon kay Jenielito Atillo, tagapagsalita ng DepEd XI, valid pa rin ang permit ng Salugpongan learning center para makapag-operate sa nasabing lugar.

Sinasabing sa learning center umano balak dalhin ng grupo ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang labing apat na menor de edad na kasama nila nang arestuhin sa checkpoint sa Barangay Sto.Nino, Tagalingod Davao del Norte madaling araw noong ika-29 ng Nobyembre.

Inaresto si Ocampo dahil wala umanong pahintulot ng mga magulang ang pagsama sa mga menor de edad.

Hinimok naman ng DepEd ang mga nagsasabing iba na ang itinuturo sa mga Lumad schools na maglabas ng ibidensya.

Nirerespeto naman ng DepEd ang desisyon ng mga tribal leaders at provincial government ng Talaingod na ipasara ang Salugpongan community schools.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng DepEd ang alternatibong paraan para hindi maantala ang pag-aaral ng mga Lumad sa lugar.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Patay na whale shark, natagpuan sa Davao del Norte

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 4347

Isang patay na whale shark ang natagpuan sa baybayin ng Tagum City, Davao del Norte noong Lunes.

Sa facebook post ng environmentalist na si Darrell Blatchley, makikita ang labing apat na talampakan balyena.

Sa necropsy na isinagawa ni Blatchley sa whale shark, natagpuan ang ilang plastic sa loob nito.

Tags: , ,

Palarong Pambansa, kasado na sa May 3 sa Davao del Norte

by dennis | April 29, 2015 (Wednesday) | 4742

2015-palaro-banner

Kasado na ang Palarong Pambansa na gaganapin sa lalawigan ng Davao Del Norte sa darating na ikatlo ng Mayo, 2015.

Ayon kay Deped assistant secretary at secretary general ng Palarong Pambansa Tonisito Umali,

tinatayang aabot sa 10,000 hanggang 12,000 atleta at coaches mula sa iba’t ibang public school sa bansa ang magtatagisan ng galing sa iba’t ibang events gaya ng track and field, swimming, basketball at iba pang individual at team sports.

Dagdag pa ni Umali na pinaghandaan na rin ng husto ng DepEd ang mainit na temperatura sa lalawigan sa pakikipagkoordinasyon nito sa PAGASA-DOST at ipatutupad anya nila ang “no outdoor games policy” sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nakahanda na rin ang mga ambulansya at medical staff para umantabay sa anumang medical emergency sa Palarong Pambansa.

Aabot sa P200 million ang gagastusin ng DepEd sa naturang event, hindi pa kasama dito ang pondo na ilalaan ng mga local government unit sa naturang lalawigan.(UNTV Radio)

Tags: , ,

More News