Debris ng nawawalang Cessna RPC340, natagpuan na

by Radyo La Verdad | February 20, 2023 (Monday) | 4034

METRO MANILA – Natagpuan sa paanan ng bulkang Mayon ang posibleng debris mula sa nawawalang Cessna RPC340 nitong Linggo ng umaga, February 19.

Ang debris na ito na nakuhanan sa pamamagitan ng camera, ay natagpuan sa taas na 6,500 feet o 350 meter mula sa bunganga ng Mayon sa bayan ng Camalig, Albay.

Hindi pa matukoy ng mga otoridad kung buhay o patay ang 4 na sakay nito na 2 Pilipino at 2 Australian national.

Dahil dito, patungo na sa crash site ang iba’t ibang search and rescue teams kasama ang ilang mountaineers.

Nawala ang kontak sa nasabing aircraft noong Sabado (February 18) matapos itong umalis sa Bicol International Airport.

Tags: ,