Delegasyon ni Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill, pormal na sasalubungin sa Malacañang

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 354

Pormal na sasalubungin sa Malacañang mamayang hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang delegasyon ni Papua New Guinea Prime Minister Peter O’neill na nasa three-day official visit sa bansa.

Isang state banquet ang inihanda ng punong ehekutibo para sa punong ministro pagkatapos ng nakatakda nilang bilateral meeting.

Ang pagdalaw ng Papua New Guinea leader ay bahagi ng pagpapalawig ng ugnayan ng dalawang bansa.

Ito rin ang host at chairman ng Asia-Pacific Economic Cooperaton (APEC) ngayong taon.

 

Tags: , ,

Leave a Reply