DepEd, hinimok ang public schools na isagawa indoors ang end of school year rites

by Radyo La Verdad | May 6, 2024 (Monday) | 2635

METRO MANILA – Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan sa bansa na isagawa ang kanilang end-of-school-year (EOSY) rites sa loob ng mga gusali o indoors.

Ayon sa kagawaran, nakatakdang ganapin ang mga EOSY rites mula Mayo 29 hanggang 31 ngayong taon, at itinakda na gawin ito sa loob ng mga gusali o sa mga lugar na may sapat na bentilasyon at malayo sa sikat ng araw.

Pinapaiwas din ng DepEd ang mga paaralan nai-iskedyul ang kanilang EOSY rites sa oras ng araw kung saan ang temperatura ay nasa pinakamataas na lebel.

Tags: ,