Deployment ban ng OFW sa Hong Kong, pinag-aaralan pa – Malacañang

by Erika Endraca | August 7, 2019 (Wednesday) | 1645

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan pa ng pamahalaan ang panukalang magpatupad ng deployment ban ng Overseas Filipino Workers  (OFWs) Sa Hong Kong.

Kasunod ito ng mga nangyayaring kaguluhan doon kasabay ng mga kilos-protesta laban sa pamahalaan.

Sa ngayon, pinaigting ng pamahalaan ang monitoring sa mga pangyayari sa Hong Kong at pinaiiwas ang mga Pilipino sa mga lugar ng rally.

“Palagi tayong concern, the president will always be concerned when the safety of our countrymen is at stake” ani

Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: ,