Desisyon ni DILG Sec. Mar Roxas, ikokonsidera sa pagpili ng VP Bet ng LP – Pang. Aquino

by Radyo La Verdad | August 3, 2015 (Monday) | 2673

PNOY - ROXAS
Bukas parin si Pangulong Benigno Aquino III na maging running mate ni DILG Secretary Mar Roxas sa 2016 elections si Senator Grace Poe

Ito ay dahil kaisa sina Senators Grace Poe at Chiz Escudero sa layunin ng administrasyong Aquino na ipagpatuloy ang mga nasimulang mga reporma.

Kaya naman umaasa ang Pangulo sa posibleng koalisyon 2016 elections.

Sa kabila nito, ikokonsidera pa rin ng administration party ang desisyon ni Roxas sa kung sino ang gusto niyang maka-tandem.

Tungkol naman sa pangangampanya , sinabi ng Pangulo na tutulong siya kay Roxas.

Pinabulaanan naman ni Pangulong Aquino ang alegasyon na ang gagastusin sa pangangampanya ni Roxas ay magmumula sa kaban ng bayan.

Tags: , ,