DFA, patuloy na umaapela sa mga OFW sa Libya at Yemen na umuwi na ng bansa

by dennis | April 9, 2015 (Thursday) | 731
DFA Sec. Albert del Rosario

DFA Sec. Albert del Rosario

Muling umapela ang Department of Foreign Affairs sa mga overseas Filipino worker (OFW) na umuwi na sa Pilipinas bunsod ng lumalalang kaguluhan sa bansang Libya at Yemen.

Nanawagan si DFA Secretary Albert Del Rosario sa mga kababayan nating OFW na huwag na sanang humantong sa sitwasyong imposible na silang ilikas palabas ng bansa.

Hinihikayat ang mga OFW na makipag-ugnayan na sa Crisis Management Team sa dalawang bansa. Maari po silang makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero:

LIBYA:
+218 927 471 949
+218 916 155 264
+218 916 656 134

YEMEN:
730-187-540
737-426-292
730-194-165
733-844-958
Email: cmt-sanaa@riyadhpe.com

Maaari ring dumulog ang mga OFW sa Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa numerong (+632) 834-4996 o mag-email sa oumwa@dfa.gov.ph.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , ,