DFA Sec. Perfecto Yasay, iginiit na tuloy ang kampanya ng pamahalaan vs droga

by Radyo La Verdad | February 28, 2017 (Tuesday) | 2323


Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na magpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra droga sa kabila ng mga pagbatikos dito.

Sinabi ni Yasay sa 34th session ng United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland na ito ang tanging paraan upang hindi na makapanira pa ng buhay ng mga drug lord at sindakatong nagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.

Iginiit pa nitong hindi sasantuhin ang sinumang sangkot sa gawaing ito.

Tags: , ,