DILG, hinikayat ang mga Mayor na gawing pay parking area ang mga bakanteng lote

by Radyo La Verdad | August 7, 2019 (Wednesday) | 747

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government ang mga Mayor sa buong bansa na gawing pay parking area o PUV terminals ang mga bakanteng lote sa kanilang lugar. Ito ay upang may malugaran ang mga sasakyan na apektado ng ipinatutupad na nationwide clearing operations ng pamahalaan.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ito ang maituturing na long term win-win solution dahil luluwag ang mga kalsada at maari namang kumita ang mga private land owners sa pamamagitan ng pagpaparenta sa kanilang lugar.

Hinikayat ni Malaya ang mga private land owners na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan. Aniya maari namang maging malikhain ang mga Mayor upang mahikayat ang mga vacant land owners na makiisa sa programa, gaya ng pagbibigay ng discount sa pagbabayad ng business permits.

Tags: ,