DILG, hinikayat ang publiko na i-report sa People’s Law Enforcement Board ang mga abusadong pulis

by Radyo La Verdad | December 7, 2017 (Thursday) | 129

Hinikayat ng Department Of Interior and Local Government ang publiko na i-report rin sa People’s Law Enforcement Board o PLEB sa kanilang lugar ang anumang pang-aabuso ng mga pulis kaugnay sa pagsasagawa ng anti-drug operations.

Ang PLEB ay nagsisilbing check and balance mechanism sa city at municipal level na nagpapahintulot sa mga ordinaryong mamamayan na magreklamo laban sa mga abusadong law enforcers.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy, may kapangyarihan din itong magdisiplina sa mga pulis, mag-imbestiga at magpasya kung karapat-dapat silang sampahan ng reklamo.

Tags: , ,

Leave a Reply