DILG Sec. Mar Roxas, itinangging magbibitiw sa puwesto

by Radyo La Verdad | April 13, 2015 (Monday) | 3454

mar roxas

Pinanghihinayangan ng Philippine National Police kung totoong magbibitiw na bilang kalihim ang Department of Interior and Local Government si Sec. Mar Roxas.

Ito ang pahayag ni PNP Pio Chief P/CSupt Generoso Cerbo hinggil sa mga nabalita sa mga pahayagan.

Ayon kay Cerbo, tumatakbo ng maayos ang pambansang pulisya sa pamamahala ng kalihim at marami rin itong mga nasimulang proyekto sa PNP tulad ng Oplan Lambat-Sibat.

Agad namang itinanggi ni Sec. Roxas na magbibitiw sya sa pwesto.

Base sa mensahe ng kalihim wala siyang planong magresign at ipinagpapatuloy nya ang pagsisilbi para sa daang matuwid.

Sinabi pa nito na hindi niya tatalikuran ang ano mang iatas sa kanya ng Pangulo para sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng daang matuwid.

Si Roxas ang sinasabing pambato ng Liberal Party sa 2016 Presidential Elections.(Lea Ylagan/UNTV News Senior Correspondent)

Tags: ,