DILG Secretary at Napolcom Chair. Mar Roxas, nagpaalam na sa PNP

by Radyo La Verdad | August 3, 2015 (Monday) | 1402

DILG ROXAS
Matapos ang dalawang taon at sampung buwan ay nagpaalam na si Secretary Mar Roxas sa PNP bilang Chairman ng National Police Commission.

Ayon kay Roxas, kailangan na nyang ipagkatiwala sa iba ang naturang posisyon upang harapin na mas malaking hamon.

Pinayuhan nito ang mga pulis na ipagpatuloy ang maayos na pagtupad at dedikasyon sa trabaho.

Ipinaalala rin ng kalihim sa mga ito na ang tsapa ay hindi display lamang at ang uniporme ay hindi basta damit lamang kundi simbolo ng public service bilang tagapagligtas ng sambayan.

Sinabi naman ni PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, malaki ang naitulong ni Sec. Roxas sa pambansang pulisya

Ayon pa kay Gen. Marquez si Roxas ang ama ng Oplan Lambat Sibat na ginagamit ngayon ng PNP sa kanilang matagumpay na anti criminality campaign.

Sa kanyang pamumuno rin nabili ang maraming mobile patrol jeep at baril ng mga pulis kayat bilang pasasalamat binigyan ng PNP ng saber, sumbrero at jacket ng pulis si Sec. Roxas.

Tags: ,