Diving exhibitors at enthusiasts, nakiisa sa Thailand Dive Expo 2018

by Radyo La Verdad | May 15, 2018 (Tuesday) | 335

American, Indian, Chinese at iba pang mga lahi, dahil sa kanilang passion for diving ay hindi naging hadlang ang layo ng mga bansang kanilang pinanggalingan masaksihan lamang ang 2018 Thailand Dive Expo 2018 na ginanap noong May 10-13.

Hindi naman nagpahuli ang mga lokal dito gaya ni Thai Teen, aktor na si Bonne Manapat Techakumphu na nagpakita ng interes sa diving.

Iba’t-ibang produkto at serbisyo ang ipinakita ng mga exhibitor tulad ng scuba diving equipment, diving courses at diving shows.

Isa na dito ang the first and only reality dive show in the Philippines, ang ‘The Dive’.

Pagkakataon din ito ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Mary Jo Bernardo-Aragon na makita ng mundo ang angking ganda at yamang dagat ng Pilipinas.

Ayon naman kay Jason Chong, ang presidente ng Diving Instructor World Association (DIWA), dapat na unang matutunan ng mga beginner ang pangangalaga sa kalikasan.

 

( RK Llorca / UNTV Correspondent )

Tags: , ,