Djokovic, tinalo si Simon sa mahigpit na three-setter sa Monte Carlo Masters

by Radyo La Verdad | April 19, 2017 (Wednesday) | 2066

Novak Djokovic(REUTERS)

Kinuha ni Novak Djokovic ang huling tatlong games para tiklupin si Gilles Simon ng France 6-3,4-6, 7-5 sa second round ng Monte Carlo Masters kahapon.

Nakuha ng world number two mula sa Serbia ang unang set laban sa world number 32 na si Simon kahit na nawala ang kanyang service game sa pagsisimula ng laro.

Ang second set ay napanalunan ni Simon 6-3 matapos na mapanalunan ang huling apat na games.

Ngayong 2017 nawala ang galing ni Djokovic sa laro dahil sa mga tinamong injury.

Sasagupain ni Djokovic si Pablo Carreno-Busta ng Spain o si Karen Khachanov ng Russia sa third round.

Tags: , ,