DOH, nagpadala na ng demand letter sa Sanofi Pasteur upang hilingin ang full refund sa mga nagamit nang Dengvaxia vaccines

by Radyo La Verdad | January 30, 2018 (Tuesday) | 875

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nagpadala na sila noong nakaraang linggo sa  Sanofi Pasteur ng demand letter.

Para ito sa full refund sa Dengvaxia na ibinakuna na sa mga mag-aaral sa mga rehiyong itinuturing na may mataas na kaso ng dengue. Aabot ang halaga ng mga ito ng halos dalawang bilyong piso

Ayon kay Sec. Duque, malinaw na ang naturang bakuna ay hindi makakapagbigay ng full protection kontra-dengue.

Noong nakaraang linggo, una nang nagbigay ng halos 1.2 billion pesos refund ang pharmaceutical giant sa PCMC para sa mga Dengvaxia vials na hindi nagamit.

Ayon sa DOH, wala pang sagot ang Sanofi kaugnay ng hinihingi nilang refund sa mga nagamit na vaccine sa mahigit walong daang libong kabataang Pilipino sa mga paaralan.

Samantala, inaasahan na ng DOH na ilalabas na ng UP-PGH panel of experts ang pinal na resulta sa clinical analysis ng mga batang ini-uugnay ang kamatayan sa Dengvaxia

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )