DOJ Asec. Moslemen Macarambon, nagresign na

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 1370

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagsumite na ng kaniyang resignation letter si Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon noon pang ika-25 ng Abril.

Si Macarambon ang isa sa dalawang assistant secretaries na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsumite ng kanilang resignation letter at kung hindi, sisibakin niya ito sa pwesto.

Ang isa pang opisyal ay si Public Works and Highways Assistant Secretary Tingagun Umpa.

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), regular na nanghimasok umano si Macarambon sa mga pinaghihinalaang smugglers ng ginto at iba pang mamahaling alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Samantala sa salaysay naman ng DPWH, umabuso naman sa kanyang katungkulan si Umpa at tumanggap umano ng komisyon sa ilang contractors sa ARMM.

Binigyang-diin naman ni Roque na nasa Office of the Ombudsman na ang katungkulang magsampa ng kaukulang kaso laban sa dalawang opisyal na isinasangkot sa katiwalian.

Ayon naman kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, seryoso ang pangulo sa pangako nitong labanan ang kurapsyon at hindi ito magdadalawang isip na alisin sa pwesto ang sinomang opisyal kung masasangkot sa katiwalian.

Nasa 400 pa ang nakabinbing reklamo sa PACC na kailangang imbestigahan kaugnay ng mga opisyal ng gobyernong isinasangkot sa katiwalian.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,