DOJ, itinangging tinanggap na sa Witness Protection Program si Jaybee Sebastian

by Radyo La Verdad | October 14, 2016 (Friday) | 3668

roderic_aguirre
Mariing itinanggi ng Department of Justice na tinanggap na sa Witness Protection Program ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Kasunod ito ng napabalitang pahayag ng abogado ni Sebastian na si Atty. Eduardo Arriba na isinailalim na sa WPP ang kanyang kliyente.

Dati nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na hindi nila pinaniniwalaan ang lahat ng sinasabi ni Sebastian kahit pa naniniwala sila sa sinabi nitong si dating Justice Sec. Leila de Lima ang naging protektor niya sa pagbebenta ng droga sa Bilibid.

Nitong Martes, kasama sina de Lima at Sebastian sa mga kinasuhan ng drug trafficking kaugnay ng illegal drugs trade sa Bilibid.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,