DOJ, nagbigay ng libreng lecture sa mga Bar candidates

by Radyo La Verdad | October 9, 2017 (Monday) | 1825

Isang buwan bago ang bar exams, nagbigay ng libreng lecture ang DOJ para sa mga kukuha ng pagsusulit.

Idinaos ang dalawang araw na lecture series sa Philippine Christian University sa Maynila nitong weekend.

Mahigit apat na raang bar candidates ang dumalo mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. Nagbigay din ng tips kung paano nila maipapasa ang pagsusulit.

Sinamantala rin ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagkakataon upang imbitahan na magtrabaho sa DOJ ang mga dumalo sa lecture lalo na kapag pasado na sila sa bar.

Isasagawa naman ang bar exams ngayong November 5, 12, 19 at 26 sa University of Sto. Tomas sa Maynila.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,