DOJ, naniniwalang nasa loob pa rin ng bansa si Peter Lim

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 8568

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na nasa loob pa ng bansa ang umano’y drug lord na si Peter Lim.

Ayon sa DOJ, wala silang nakikitang indikasyon na nakaalis ng bansa ang Cebu-based businessman.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi pa kailangan sa ngayon ang tulong ng international police (Interpol) para matunton si Lim.

Batay sa record ng Bureau of Immigration (BI), nitong Marso ay pansamantalang umalis ng Pilipinas si Lim ngunit bumalik din ito matapos ang 4 na araw.

Naglaan na ang pamahalaan ng limandaang pisong pabuya para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng negosyante.

Nagbanta na rin ang DOJ na kakasuhan ang sinomang tumutulong upang makapagtago si Lim.

Agosto a disi syete nang mag-isyu ang korte ng hold departure order laban kay Lim.

Tags: , ,