DOJ, pinayagan si Sen. de Lima na magtungo sa ibang bansa

by Radyo La Verdad | December 12, 2016 (Monday) | 1089

aguirre-delima
Pinayagan ng Department of Justice si Senator Leila de Lima na bumyahe sa ibang bansa.

Nakatakdang tumanggap ng parangal ang senadora sa Estados Unidos at magsalita sa Annual Conference on Cultural Diplomacy sa Berlin, Germany.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nag-isyu ang DOJ ng allow departure order kay de Lima dahil wala pa namang kasong naisasampa laban sa kanya.

Una nang tiniyak ng senadora sa publiko na babalik siya sa bansa pagkatapos ng kanyang official travel.

Tags: ,