DOJ Usec. Jose Salazar, bagong ERC Chairman

by dennis | August 5, 2015 (Wednesday) | 1185
Photo credit: MARCELINO PASCUA-OPS/NIB

Photo credit: MARCELINO PASCUA-OPS/NIB

Itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino si Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar bilang bagong chairman ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., pinirmahan ng Pangulo ang appointment papers ni Salazar noong Hulyo 31, 2015. Matatapos naman ang termino ni Salazar sa ERC sa Hulyo 10, 2022.

Pinalitan ni Salazar si Zenaida Ducut, na nagtapos ang seven-year term nito noong Hulyo 10. Si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nagtalaga kay Ducut sa ERC noong 2008.

Si Salazar ay dating justice undersecretary para sa enerhiya, chairman ng Department of Energy-Department of Justice Task Force on the Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 at board member ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation. Siya rin ay naging DOJ undersecretary na humahawak ng Inter-Agency Council Against Trafficking.