DOLE Sec. Bello, hinimok ang mga undocumented Filipino sa U.S. na umuwi na lang ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | November 16, 2016 (Wednesday) | 533

aiko_bello
Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello The Third ang mga undocumented Filipino sa Estados Unidos na umuwi na lamang ng Pilipinas at huwag nang hintaying ang crackdown na ipatutupad ng incoming Trump Administration.

Kasunod ito ng plano ni U.S. President-elect Donald Trump na pagpapadeport sa tinatayang nasa tatlong milyong illegal immigrants na mayroong criminal record.

Batay sa ulat, mahigit dalawang daang libo sa halos apat na milyong Pilipinong naninirahan sa Amerika ang illegal immigrants o walang kaukulang dokumento.

Nakatakdang umupo sa pwesto ang bagong halal na pangulo ng Estados Unidos sa January 2017.

Tags: , ,