DOLE Sec. Bello, umaasang masasagip pa ang buhay ng isa pang OFW na nasa death row sa Kuwait

by Radyo La Verdad | January 27, 2017 (Friday) | 456


Nagtungo na ng Kuwait si Labor Secretary Silvestre Bello The Third upang alamin ang sitwasyon sa kaso ni Elpidio Nano, isa pang Overseas Filipino Worker na nahatulan ng kamatayan.

Nahatulan ng bitay si Nano dahil sa umano’y pagpatay nito sa kaniyang katrabaho at kapwa Pilipino.

Ayon sa kalihim, kinausap na nya si Philippine Ambassador to kuwait Renato de Villa upang alamin ang posibilidad na mapababa pa ang hatol sa Pinoy na nasa death row.

Umaasa naman si Bello na masasagip pa ang buhay ni Nano dahil sa posibilidad na mapakiusapan pa ang pamilya ng nasawi.

Tags: ,