Domestic at International flights ng ilang Airline company kinansela dahil sa Bagyong Tisoy

by Erika Endraca | December 3, 2019 (Tuesday) | 300

METRO MANILA – Nagkansela na ng flights ang ilang mga airline company Ngayong Araw (December 3) dahil sa lakas ng ulan at hanging dala ng Bagyong Tisoy.

Ang Philippine Airlines kinansela ang kanilang international at domestic flights Ngayong Araw (Dec. 3) hanggang Bukas (Dec 4).

Nagkansela na rin ng flight Ngayong Araw (Dec.3) ang Cebu Pacific at Air Asia.

Pinapayuhan ang mga pasahero makipag-ugnayan sa airline companies bago pumunta sa airport upang hindi mastranded ng matagal sa mga paliparan.

Para sa kumpletong listahan ng mga kanseladong byahe ng eroplano maaaring tumawag o bumista sa mga website at social media account ng airline companies.

Tags: ,